KALABOSO ang isang kawatawan matapos magnakaw ng motosiklo gamit ang tinidor bilang improvised na susi sa Calasiao, Pangasinan.
Laking gulat ng biktimang si Johnny, 28 ng Santa Barbara, Pangasinan nang mawala ang kanyang motorsiklo na kanyang ipinarada matapos mamalengke sa Barangay Poblacion.
Dali-dali siyang nagtungo sa istasyon ng pulisya para humingi ng tulong. Kaya naman sinamahan ng pulis ang biktima at nakita nila ang kanyang motorsiklo sa Barangay San Miguel.
Narekober ang motorsiklo mula kay Joey, 33, resident eng Barangay Lasip. Nakuha rin sa kanya ang mga damit at tinidor na ginamit bilang improvised na susi.
Nasa kustodiya na ng pulisya si Joey at kinasuhan na dahil sa paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Law).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA