Ayusin ang aming dam, bigyan kami ng bigas.
Ito ang simpleng request ni Mayor Marlon dela Torre ng Looc, Occidental Mindoro matapos wasakin ng El Niño phenomenom ang karamihan sa mga sakahan sa munisipalidad dahil sa kakulangan ng tubig.
Nalulungkot ang alkalde para sa kanilang bayan, na kilala bilang source ng bigas, mais at gulay, dahil hindi na kaya pang makapag-produce ng sapat na bigas para pakainin ang sarili nitong populasyon na may 11,000 katao.
“Nakakalungkot na kami ang producer ng bigas pero kami ang nangangailangan. Kailangan namin ng bigas kung ipagkakaloob sa amin,” saad niya.
Aniya, apektado ang 200 magsasaka ng dry spell, kung saan ang mga sakahan ay walang irigasyon.
Isang dahilan aniya ng kawalan ng irigasyon ay ang tumatagas na dam at maliliit na kanal na may tagas rin.
“Halos lahat ng tanim naming palay, gulay at mga mais, hindi na mapakinabangan dulot ng El Niño. Wala na halos dumaloy na tubig,” saad niya.
“Hinihiling ko na maiayos ‘yung dam especially ‘yung mga canalitas papunta sa mga sakahan, ‘yung mga nasira. ‘Yung tubig na bahagya dumadaloy hindi na umaabot sa palayan,” dagdag niya.
“‘Yung dama na dumadaloy sa aming palayan ay sira-sira na. Malakas ang tagas at ang aming canalitas sira-sira na.”
Sa panig naman ni Task Force El Niño spokesperson Joey Villarama, sinabi nito na maring kumuha ang bayan ng Looc ng access para sa mabilis na response funds kung nakapagsumite ang LGU ng report para ideklara ang state of calamity.
“Kapag magsumite ng report ang LGU na nagdeklara ng state of calamity, kukunin ng regional field office ng D.A, ipo-forward sa central office tapos dun ita-task ang quick response fund pero ang quick response fund ay nagagamit lang sa rehab ng sakahan,” saad niya.
“I understand si Mayor humihingi ng ayuda kaya dyan papasok ang Office of Civil Defense. Ang OCD ay makakapagbigay ng bigas sa mga apektadong farmers and their families. Ang [Department of Agriculture] pwedeng mag-endorse sa DSWD ng mga magsasakang naapektuhan para sa tulong pinansyal at para may pagkakitaan sila sa DOLE para sa cash for work program.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA