Nagsagawa ng pagdinig ang Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Albay Rep. Joey Salceda upang talakayin ang kamakailan lang na ginawang pag-iinspeksyon sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Nagresulta ang isinagawang pag-iinspeksyon sa pagkakadiskubre sa umano’y illegal na electronic cigarettes, na may brand na “Flava”, na may halagang P1.428 billion.
Sa naturang session, mayroong mungkahi na hinihimok ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na suspendehin ang operasyon ng Flava Corporation at itigil ang pagbebenta ng kanilang e-cigarette products maliban kung mapapatunayan na sumusunod sila sa tamang pagbabayad ng buwis.
Bukod dito, tinugunan ng Committee ang legislation na naglalayong pahusayin ang pagigiging competitiveness ng Philippine motor vehicle manufacturing sector at palitan ng pangalan ng Honorio Ventura State University sa Pampanga State University.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA