Sa layunin na maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng imprastraktura sa pamamagitan ng Build, Better, More program ng Pangulong Marcos ngayong 2024, naglaan ng kabuuang trilyon para sa infrastructure project ng pamahalaan.
Ayon kay Budget and Management Secretary Mina Pangandaman mas mataas ing P180 milyon kumpara sa P1.330 trilyong halaga na inilaan para sa imprastraktura sa 2023 GAA.
Sa pamamatnubay aniya ng Pangulong BBM ipagpapatuloy ng departmento ang paglalaan ng kaíllangang pondo para suportahan ang Build, Better, More program ng gobyerno.
Layon aniy ng Build, Better, More program na palawakin ang imprastruktura ng bansa sa pamamagitan ng pag-develop ng mga proyektong pang-kalsada, pang-riles, mass transport, at flood control upang magbigay daan sa pag-unlad ng mga malalayong munisipalidad, alinsunod sa adhikain ng Pangulo para sa isang Bagong Pilipinas.
Hinihikayat ng kalihim ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang infrastructure budget sa ikabubuti ng mga mamamayan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA