ISINUMITE na ng Bureau of Corrections o BuCor sa Board of Pardons and Parole ng Department of Justice (DOJ) ang records ng mahigit tatlumpung libong mga napipiit o persons deprived of liberty (PDLs).
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr, ito ay upang maisalang na sa ebalwasyon, deliberasyon at makapagpalabas na rin ng resolution patungkol sa posibleng paglaya ng 36,044 na PDLs.
Ang Board of Pardons and Paroles ang nangangasiwa sa pagpapalaya ng mga bilanggo, at nagrerekomenda upang mapagkalooban ng presidential pardons ang sinumang PDL.
Ang BuCor sa pamamatnubay ni Justice Secretary Crispin Remulla ay nakapagpalaya na ng 11,347 PDLs mula June 2022 hanggang January 2024 sa ilalim ng “Bilis Laya” Program.
Sinabi ni Catapang na inaasahang marami pang PDLs ang lalaya sa harap ng isinasagawang extensive marathon meetings ng Management Screening and Evaluation Committee sa lahat ng OPPF o operating prison and penal farm ng kawanihan.
Sa record ng BuCor sa loob ng nakalipas na limang taon, may average na 5,327 PDLs, na lumalaya taun-taon, habang 7,823 ang average na bilang ng mga ipinapasok sa mga pasilidad ng ahensiya bawat taon, mas mataas sa mga nakalalaya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA