NAKUMPISKA ang nasa P25-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao sa isinagawang serye ng mga operasyon.
Ayon sa BOC, dalawang joint operation ang isinagawa noong Enero 6 at 10, 2024, sa Sultan Kudarat at Brgy. Ned, Lake Sebu.
Sa Sultan Kudarat, naharang ng mga otoridad ang 14,000 reams ng samu’t saring smuggled na sigarilyo, na nagkakahalaga ng P7,000,000, kasama ang isang motorized banca na may markang “MB Al-Amanah,” na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000.
Habang sa Brgy. Ned, Lake Sebu naman ay nasamsam ng mga awtoridad ang 215 ream ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P107,000.
Naunang nagsagawa ng operasyon sa Sultan Kudarat noong Disyembre 3, 2023, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 22,700 reams ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P17,025,000, gayundin ang isang motorized banca na may markang “M/B Queen Johara” na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY