December 24, 2024

Panawagang ihiwalay ang Mindanao, kinontra ng DOJ

Mariing tinutulan ng Department of Justice ang panawagang paghiwalay ng Mindanao o alinmang bahagi ng bansa.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ng DOJ ang paninindigan laban sa anumang pagtatangka na sirain ang pagkakaisan at territorial integrity ng bansa gaya ng nakasaad sa Konstitusyon.

Nakasaad sa press statement na bilang pangunahing law agency ng sangay ng ehekutibo, mananatili ang commitment ng DOJ para protektahan ang soberenya at ipagtanggol ang kasagraduhan ng Saligang Batas.

Umaapela rin ang DOJ sa mga Filipino na magkaisa sa pagtutol sa panukalang ito at manatiling nagkakaisa para sa Bagong Pilipinas.

Ayon pa DOJ ang lakas ng Bansa ay nakasalalay sa pagkakaisa at dapat tutulan ng lahat ng Filipinos ang secessionist ideologies at magkaisa sa nagkakaisang Bagong Pilipinas.

“Secession is regarded as contrary to the principles of our democratic society, as stated in Article II, Section 2 of the Constitution. As the principal law agency of the executive branch, the DOJ remains committed to protecting our sovereignty and upholding the sanctity of the highest law of the land, sabi ng DOJ.