November 6, 2024

Vape para makaiwas nga ba sa sigarilyo o banta sa kalusugan?

Malaki nga ba ang naitutulong ng vape para sa mga smoker na makaiwas sa paninigarilyo o banta ito sa kalusugan ng mga kabataan sa buong mundo?

Ito ang magiging tampok sa pararating na tobacco summit na isasagawa ng World Health Organization sa susunod na linggo.

Malamang na ito ang magiging eksena sa Lunes patungkol sa matagal ng pinagtatalunan ng mga tagapagtuyod ng e-cigarettes – kabilang ang ilang lobbyists para sa tobacco industry –   laban sa anti-smoking campaigners.

Ang vaping at ang iba pang smoking innovations ay inaasahang magiging mataas ang agenda sa pagsasama ng mga represenetante ng bansa sa Panama City sa Lunes, na inatasan sa pagrebisa sa WHO treaty sa tobacco control.

Ang e-cigarette devices ay walang halong tobacco. Bagkus kargado ito ng likido na karaniwang may lamang nicotine na hinihithit bilang vapor.

Ang naturang proseso ay walang halong tar o carbon monoxide, ang main drivers ng cancer at heart diseas na inuugnay sa tobacco, na iminumungkahi na ang vaping ay hindi masyadong delikado keysa sa paninigarilyo.

Gayunpaman, hindi kinikilala ng WHO ang vaping na mas less dangerous sa sigarilyo.

Ang posisyong ito, na ibinahagi ng maraming anti-smoking campaigners, ay batay sa precaution principle.

Dahil may ilang pagsusuri sa vaping mahigit isang dekada na ang nakalipipas, na may long-term threat ito sa kalusugan ng tao.

Mahigit sa 30 bansa na ang nag-ban sa pagbe-vape, subalit mas marami pa rin ang hindi nagbabawal rito.