NAKASABAT ng dalawampo’t pito punto anim na milyong pisong (₱27.6-M) halaga ng imported na sigarilyo ang Bureau of Customs (BOC) sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.
Batay sa impormasyon ng BOC-Port of Zamboanga, ang mga smuggled na sigarilyo ay sakay ng motorboat FB JFM 2 na ininspeksyon ng Water Patrol Division ng BOC.
Naaresto rin sa naturang maritime patrol operation ang 9 na tripulante na nabigong magpakita ng dokumento sa dala nilang kargamento. Sinampahan na ng kaso ang 9 na tripulante na nakapiit sa Zamboanga City Police Station 11 habang nasa pag-iingat na ng BOC ang nakumpiskang sasakyan pandagat at sakay na kontrabando.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY