October 31, 2024

BURMA SOLIDARITY PHILIPPINES NAGPAKITA NG SUPORTA SA MYANMAR

NAGTAYO ng symbolic na prison cell ang mga civil society, aktibista at solidarity organizations, kabilang ang mga miyembro ng Burma Solidarity Philippines, sa Boy Scout Circle sa Tomas Morato, Quezon City, bilang paggunita sa 3rd anniversary ng tangkang kudeta  sa Myanmar.

Nagpahayag ng pakikiisa ang mga nagpoprotesta sa hangarin ng Myanmar ng tunay na demokrasya, kapayapaan at hustisyang panlipunan, gayundin ang pahimok sa human rights advocates na suportahan ang kanilang laban sa military junta na pinangungunahan ni Min Aung Hlaing.

Kinondena rin ng grupo ang umano’y human rights violations ng military coup, tulad ng pag-torture sa political prisoners, rape, gender-based violence at ang patuloy na pag-atake sa Rohingya people.

Nanawagan ang mga aktibista sa Southeast Asian leaders na putulin ang kanilang suporta sa junta leaders at pilitin silang palayain ang mga nakakulong na democracy fighter sa Myanmar. (Kuha ni ART TORRES)