Itinuturing ni Albay Second District Representative Joey Salceda ang 1987 Constitution na ugat ng kasamaan na nagaganap sa bansa.
Ayon sa Kongresista na dahil sa Saligang Batas napag-iiwanan na ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya at maaari aniyang sa huli ay maungusan pa ng Cambodia ang bansa.
Sinabi ni Salceda, chairman ng House Ways and Means Commitee, na sa 1987 Constitution mga mayayamang angkan lamang din ang namamayagpag kasabay nang pagbanggit sa 10 pamilya na kumokontrol sa malalaking bahagi ng lupain ng bansa habang tatlong pamilya lamang ang humahawak sa sektor ng enerhiya.
Ayon kay Salceda, bagaman at may proteksyon sa pagmamay-ari ng lupain ang mga Filipino, dito na lamang sa Pilipinas, may namamatay pa rin dahil sa malnutrisyon.
Naniniwala si Salceda na dapat na mabago ang Saligang Batas at ito ay magagawa lamang aniya sa pamamagitan ng people’s initiative. Samantala, iginiit ni Salceda na maibabalik lamang ang magandang relasyon ng Senado at Kamara kung ihahain ng mga Senador ang bersiyon ng PIRMA sa mataaas na kapulungan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY