November 24, 2024

PIMENTEL: UNITEAM DUROG NA

TULUYAN nang nadurog at nagkakahiwalay-hiwalay ang UniTeam Alliance nina  President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte nitong 2022, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III. 

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na makikita ito sa akusasyon ni dating Pangulong Duterte, ama ni vice president Sara, kay Marcos na walang drug addict at nagbabalang matutulad ito sa sinapit ng ama, si yumaong President Ferdinand Marcos Sr., kung babaguhin ang  1987 Constitution.

Sinabi ni Pimentel na malaki ang advantage ni Marcos bilang president: kaalyado ng bse president, 22 senador na kaalyado ng administrasyon, pinsan ni Speaker of the House of Representatives at karamihan sa kongresista na tapat sa Malacanang. 

“Matagal nang walang Uniteam. Hindi naman ako member ng UniTeam. Kami nga ni Sen. Risa Hontiveros pinili namin na minority sa Senado. Ang majority sa Senado nag-identify sa administration…Nasasayangan ako kasi ‘yung na-achieve ni President Bongbong Marcos, parang regalo sa kanya ‘yun. Ano na sa kanya nang Diyos, for his administration. Nasayangan ako kasi hindi nila na-preserve. Hindi nila na-take advantage,” aniya sa interview. 

“Ano nangyari? Nag-away-away na sila. Kasi kami taga check lang sa minority,” giit niya.

Naunang nagkabanggaan ang ilang miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan sanhi ng peoples initiative na inilunsad ni  Speaker Martin Romualdez, na may layunin na baguhin ang 1987 Constitution. 

Sa ilalim ng panukala ng PI ni Romualdez, lulusawin nito ang kapangyarihan ng Senado na bomoto nang hiwalay sa mababang Kapulungan sa anumang pagbabago sa Saligang Batas, at payagan na bomoto nang magsakabay sa pamamagitan ng constituent assembly. Dehado ang Senado na may 24 miyembro kumpara sa 300 mambabatas na kasapi ng Mababang Kapulungan.

Ibinabala ng dating Pangulong Duterte na kapag natuloy ang peoples initiative, maaaring baguhin ang Saligang Batas upang manatili ang pamilya Marcos sa kapangyarihan.

Samantala, inihayag naman ni Pimentel na hindi na siya nagtataka sa akusasyon ng pagiging drug addict ni Marcos dahil nagawa na ito ng dating pangulo noong kinukuwestiyon nito ang isang presidentiable na gumagamit ng droga kahit hindi lantarang binanggit ang pangalan ng kasalukuyang chief executive.

“Hindi na ako nagulat, kahit nung kumpanya, nung filing pa lang may sinasabi na siyang kandidato na gumagamit,” ayon kay Pimentel. 

“Baka he is talking abut the past. I am sure na isang tao na mahalal sa napakabigat na responsibility e tatalikuran mo na ang whatever nagawa mo sa past na hindi makakatulong sa present mong trabaho. Maybe in the past lalo na nung taon nang kabataan,” dagdag niya.