December 23, 2024

PH PAWALA NA SA DELIKADONG BANSA – USEC GUTIERREZ (Nasa No. 8 na sa Top 10 Global Media Impunity Index)

KINUMPIRMA ni Undersecretary at PTFoMs Executive Director Paul Gutierrez, na nasa ikawalong antas na ng Top 10 Global Media Impunity Index ang Pilipinas.

Sa press briefing kanina, binanggit ni  Usec.  Gutierrez na nasa Rank Number 8 na ang Pilipinas pagdating sa Global Media Impunity Index.

Ang ranggo aniyang na ito ay mababa na kumpara sa Rank Number 7 noong nakaraang administrasyon.

Tinukoy ni Usec. Gutierrez ang pagsisikap ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang media laban sa mga panggigipit at paghahatid ng hustisya sa mga pinaslang.

Inihalimbawa nito ang pagpapa-convict sa mga akusado ng Maguindanao Massacre kung saan hinatulang makulong ng habambuhay ang mga nasa likod ng pagpaslang.

Sinamantala na rin ng PTFoMS ang pagkakataon para linawin ang bilang ng mga namatay na media sa Pilipinas dahil sa pagkakaiba ng data ng gobyerno at United Nations.

Si Khan ay Special Rapporteur for Freedom of Expression and Opinion ng United Nation na tumitiyak sa karapatan at seguridad sa malayang pamamahayag at paglalabas ng saloobin