January 23, 2025

DICT PLANONG DAGDAGAN LIBRENG WI-FI SITES NGAYONG TAON

PLANO ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dagdagan pa ang mga lugar sa bansa para sa libreng Wi-Fi ngayong taon.

Ayon kay DICT Undersecretary David Almirol Jr., ito’y bilang suporta sa implementasyon ng eLGU program ng gobyerno.

Base sa report, bago matapos ang 2023, mayroon ng 25,000 na libreng Wi-Fi sites sa ating bansa.

“…Ang part ng effort din po ng DICT ay habang nag-i-implement ang DILG at DICT at ARTA [Anti-Red Tape Authority] ng eLGU kailangan samahan na rin ng connectivity,” saad niya.


Sinabi naman ni Abalos, mas mabilis na ngayon pagproseso sa mga permit at dokumento ng maraming LGUs dahil sa digitalization.


“Sa ngayon po, 60 percent na ang na-digital pero of course ibang isyu iyong ilan ba sa kanila ang may kaya nang tumanggap ng bayad, ng online application at makapagbayad – kakaunti pa lang po iyon ‘no depende sa lugar,”  ayon kay Abalos.

“Sa Metro Manila, halos lahat wala tayong problema. So, iyon po ang ginagawa naming ngayong ng DICT, ng ARTA – umiikot pa kami,” dagdag niya.