November 5, 2024

Dahil sa taas ng talent fee… ‘SIGN’ NA ‘YAN NG TULUYANG PAGKALAOS NI IAN VENERACION

KUNG totoong 500K ang talent fee ni Ian Veneracion para lamang sa appearance niya sa Tarlac Festival na gaganapin sa last Sunday ng January, at ang sabi ng road manager ay 2 hours lang iyon at pagsumobra ay magdaragdag sila ng P100K. Sobrang pagsasamantala na iyon, kasi sino ba si Ian Veneracion sa ngayon?

“Kahit sabihin nating mahusay at kagalang-galang siyang aktor, pero hindi na siya sikat. Maski nga sabihin nating younger pa siya noon ng panahon ng ‘Master Showman’ ni Kuya Germs at kasikatan niya, never siyang nag-demand ng 500K.

“OA naman ng road manager niya, P500K at 2 oras lang itatagal tapos pag lumagpas sa 2 oras ay may dagdag na P100K ano iyan per oras? Wala naman siyang gagawin kundi ang kumaway-kaway sa mga tao, at hindi kasali doon ang pagkanta.

Heto ang sabi ng Road Manager ni Ian Veneracion, “500K si Ian in two hours sa parade at pag lumagpas ng two hours, may 100k additional per hour. Kung may mga kasamang ibang artista, dapat may sarili silang float.’ Dapat solo lang si Ian sa sarili nyang float at walang kasamang kung sinu-sino’, sabi pa raw ng Road Manager.” Kaloka ang demand tinalo pa ang batang sikat na artista, ano ba itong road manager feeling niya super sikat pa ang talent niya?

“Wala naman daw problema sa bayad, kaya naman ng pamunuan ng Tarlac Festival kahit P500K at sobrang mahal. Ang kinatakot daw ng organizer baka pag lumagpas sa dalawang oras ay, baka bumaba si Ian at iwan sila sa ere dahil hindi nila kontrolado ang tagal ng oras ng parada. “Kung ganyan lagi ang paiiralin ni Ian Veneracion, kahit kaya ng isang organizer ang TF never na siyang kunin ng mga ito. At iyan na ang isa sa sign na, tuluyan na siyang malalaos,” galit na pahayag ng aking source.