Pinapurihan ng Department of Education o DepEd ang mga Lungsod ng Makati at Taguig sa maayos na paglilipat ng 14 na eskuwelahan.
Ang 14 na eskuwelahan ay naapektuhan ng desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na ang 10 barangay (tinatawag na Embo) ay hindi saklaw ng Makati City kundi nasa hurisdikdiksiyon Lungsod ng Taguig.
Sa press statement ng DepEd, labis ang pasasalamat sa naging kooperasyon at pangako ng dalawang lungsod para sa maayos na transisyon ng 14 na schools.
Kaalinsabay nito ay kinikilala rin ng , DepEd si Regional Director Gilbert Sadsad at mga kasapi ng Transition committee sa kanilang pagpupursige at sipag sa buong panahon na isinasagawa ang transition.
Una nang lumagda sa kasunduan o Memorandum of Agreement sina Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte, Taguig Mayor Lani Cayetano, at Makati Mayor Abby Binay para full transition ng pagpapatakbo ng 14 na public schools mula sa Makati City na mailipat sa Taguig, simula January 1, 2024.
Nakasaad sa nasabing kasunduan na ang Schools Division ng Taguig-Pateros ang mangangasiwa sa labing-apat na eskuwelahan.
Bagaman may mga ispesipikong usapin at apela na nireresolba pa ng mga otoridad, natapos na rin ang paglilipat sa pamamagitan nang pagkakaisa sa layong magkadire-diretso ang paghahatid ng pangunahing edukasyon sa mga mag-aaral.
”While there are still specific issues and appeals that shall be left to the final determination of the proper authorities, the transition has been finally concluded through the collective resolve of the parties in ensuring the unhampered delivery of basic education services,” ayon sa DepEd.
More Stories
Ex-Mayor ng Lobo, Batangas muling inihabla sa panibagong kaso ng katiwalian
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO