BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina Christian Kenneth Caseñas, 26 ng Raja Matanda St., Daanghari at Ramlyn Villanueva, 39 ng M. Abola St., Brgy. Tangod South.
Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap ng impormasyon mula sa regular confidential informant ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagbebenta ng shabu si Caseñas kaya isinailalim siya sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ang buy bust operation sa M. Naval St., Brgy., San Roque na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at sa kanyang kasabwat na si Villanueva matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-3:50 ng madaling araw.
Ayon kay PSSg Jeric Delos Reyes, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P36,720.00 ang P500 billa na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY