SHOOT sa rehas na bakal ang isang lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos madakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Kalbo”, 39 ng Brgy., 176, Bagong Silang ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lavuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intillegence Section (SIS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy., 180 ng lungsod.
Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Maj. John David Chua, kasama ang Police Sub-Station 15 sa pangunguna ni P/Cpt. Gomer Mappala sa koordinasyon kay IDMS chief P/Maj. Jansen Ohrelle Tiglao saka nagkasa ang mga ito ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:00 ng gabi sa Manggahan, Barangay 180.
Ani Maj. Chua, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 129 Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong December 19, 2023, para sa kasong Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan police habang hihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO