IYONG mga pinupukol nilang isyu sa bagong Best Actor ng nakaraang Metro Manila Film Festival 2023, na si Cedrick Juan. Hindi talaga siya nakalusot sa mga bira ng mga netizens, gaya na lamang ng talunin niya si Boyet de Leon sa nakaraang MMFF.
“Hindi ko nga rin po inaasahan na ako ang mananalong best actor sa nakaraang MMFF, hangga ako sa lahat ng mga nakalaban ko kasi sports silang lahat at walang kumuwestiyon sa aking pagkapanalo.
“Iyong screengrabs na kanilang ikinakalat, hindi naman ako apektado doon. Part iyon kasi ng movie ko sa Vivamax na pinagtulungan ako ng dalawang lalake.
“Hindi naman iyon nakabawas sa aking pagkalalake, naging tulong pa nga iyon para humusay ako sa bawat role kong ginagampanan. Sa akin kasi trabaho ang pag-arte na dapat pahalagahan ko at aralin para lalo akong maging pulido, at hindi naman ako nabigo,” madamdaming kwento pa ni Cedrick Juan.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO