December 25, 2024

FRAUDSTER NA TAIWANESE HULI NG BI

WALANG kawala sa mga ahente ng Immigration ang isang lalaking Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa panloloko.

Kinilala ang lalaki na si Yang Chia-Le, 26, na naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa isang residential area sa kahabaan ng Nueva Vizcaya St., Bago Bantay, Quezon City.

Nadakip si Yang si bisa ng mission order na inilabas ng BI noong nakaraang linggo, matapos makatanggap ng impormasyon sa Taiwan government patungkol sa pagtatatago nito sa batas.

Lumalabas sa records na subject si Yang ng isang arrest warrant na inisyu ng Taiwan Taipei District Prosecutors Office noong Abril 2023 dahil sa panloloko.

Miyembro umano si Yang ng telecom fraud syndicate na illegal na nagpapakilala bilang mga law enforcement agents para makapanloko ng biktima sa Taiwan mula Disyembre 2020 hanggang Enero 2021.

Sinasabing sangkot din ito sa dalawang kaso ng fraud, na nagkakahalaga ng P2.3 milyon. Inaasahan na maghihimas-rehas siya ng humigit-kumulang sa 2 taon kapag siya ay na ipa-deport sa Taiwan.

Nanaitil si Yang sa Pilipinas mula Agosto 2022, na walang subsequent application para sa extension ng kanyang visa, kung saan siya’y maituturing overstaying alien.

“Fraudsters like Yang attempt to hide in the Philippines and sometimes attempt to transfer their operations here,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.  “We will not allow such things to happen, hence our tight cooperation with foreign governments who give us information about wanted fugitive remains.  We will continue to hunt these fugitives down and deport them,” dagdag niya.

Mananatili si Yang sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig hanggang sa kanyang deportation. Kabilang na rin ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI, para hindi na muling makapasok pa ng bansa.