NIYANIG ng malakas na lindol ang karagatan malapit sa Sarangani Island sa lalawigan ng Davao Occidental kaninang madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa inilabas na ulat ng Phivolcs, may lakas na magnitude 7.1 ang lindol na naganap dakong alas 5:00 kaninang umaga.
Batay sa pagsusuri ng Phivolcs, ang pagyanig ay sanhi ng active fault na may lalim na 76 na kilometro. Natuunton din ang sentro ng lindol 119 kilometro timog silangan ng Sarangani Island.
Ramdam din ang lindol sa mga bayan ng Malungon, Alabel, at Kiamba.
Wala naman nakitang peligro ng tsunami ang Phivolcs, bagamat nanawagan ang naturang ahensya sa mga residente na asahan ang aftershocks.
Wala pang naiulat na nasawi, nasaktan o pinsala bunsod ng insidente.
Nobyembre ng nakaraang taon nang yanigin din ng magnitude 6.8 lindol ang Sarangani kung saan nakapagtala mga nasawi at pinsala sa mga istruktura.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA