MATAPOS ibida ng Palasyo ang anila’y bumababang inflation rate sa bansa, binasbasan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manufacturers na itaas ang suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kabilang sa mga inaprubahan magtaas ng presyo ang mga pagkaing de lata tulad ng sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, bottled water, processed canned meat, canned beef, at mga pampalasa para sa pagkain.
Pasok din sa taas-presyo ang sabon, kandila at baterya sa mga non-food item na tataas ang SRP.
Gayunpaman, nilinaw naman ni DTI Assistant Secretary Amanda Marie Nograles na maliit lang ang dagdag-presyo sa 63 produkto ngayong buwan ng Enero.
Paliwanag ng opisyal, mismong mga manufacturers ang humiling sa dagdag-presyo ng 63 basic commodities bunsod na rin aniya mataas na halaga ng raw materials at iba pang gastos sa kanilang operasyon.
Sinabi pa ng opisyal na nasa 6% lamang ang average price increase na mas mababa umano kumpara sa 10% average SRP hike na ipinatupad sa pagitan ng taong 2022 at 2023.
“For the food items, the price adjustment is only around 25 centavos to P7.25 pesos,” pagtatapos ni Nograles.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK