December 26, 2024

ANOMALYA SA JEEPNEY MODERNIZATION INILANTAD NI ROMUALDEZ (Iimbestigahan sa Kamara)

Alinsunod sa pagnanais ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maimbestigahan ng Kamara ang umano’y anomalya at korapsyon sa implementasyon ng public utility vehicle (PUV) modernization program na sinimulan ng Duterte administration, agad na itinakda ng House Committee on Transportation ang pagdinig nito sa araw ng Miyerkules.

“We are responding to the directive of Speaker Romualdez to investigate these very serious allegations. We will just get the consensus of members of the committee so we can start our hearings by Wednesday,” ang paglalahad ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, chairman ng naturang komite.

“We cannot allow corruption to take root in the implementation of the modernization program. If we are to proceed with the modernization of our PUVs, we must make sure there is not even a whiff of irregularity,” dagdag pa niya.

Ayon sa House panel chairman, nakipag-ugnayan na siya sa mga miyembro ng komite isang araw matapos na atasan ni Speaker Romualdez na imbestigahan ang natanggap na ulat ng opisina na huli na mayroon umanong mga pinaboran sa pagpapatupad ng PUV modernization.

Giit ni Acop, kahit walang resolusyon o privilege speech na nananawagan na siyasatin ang isyu, maaari silang magsagawa ng pagsisiyasat, o ang tinatawag na ‘motu proprio’, base sa itinatakda ng Section 2 ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.

“So it is clear that under our rules, we can proceed with the investigation. And I believe this a matter that requires our urgent attention. Lalo na’t kabuhayan ng ating mga kababayan ang nakasalalay sa epektibong pagpapatupad ng programang ito,” sabi pa ng Antipolo City lawmaker.

Nauna rito, tinukoy ni Speaker Romualdez ang ulat na mayroong mga transport officials na nakipagsabwatan sa mga dating opisyal ng ahensya para sa negosasyon ng importasyon ng modern jeepney units na ipapalit sa mga lumang jeep.

Kasabay nito, hiniling ng pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro sa Department of Transportation ang masusing pagrepaso at pagpapalawig sa pagpapatupad ng programa na nag-aatas sa mga jeepney operator at driver na sumali o bumuo ng transport cooperative.

Sinabi ni Speaker Romualdez na bagama’t buo ang suporta nito sa modernization program, dapat ay mailatag ang mga hakbang para maprotektahan ang mga jeepney driver.

Nagtapos na nitong 2023 ang pagsali sa kooperatiba, ngunit pinalawig hanggang sa katapusan ng buwang ito.

“While we stride towards modernity and efficiency, we remain steadfast in safeguarding the welfare and livelihood of our jeepney drivers, who are an integral part of this journey. Together, we can achieve a transportation system that is reflective of the Philippines’ growth, respecting our traditions while paving the way for a more sustainable future,” saad ni Romualdez sa naunang pahayag

“As we embrace progress and innovation, it is imperative that we address the need for modern, efficient, and environmentally friendly transport systems. The jeepney modernization program is not just about upgrading vehicles; it’s a comprehensive plan to rejuvenate our urban transportation landscape, making it safer, more reliable, and in tune with sustainable practices,” dagdag pa niya.