November 20, 2024

SELEBRASYON NG IKA-118th FOUNDING ANNIVERSARY NG NAVOTAS, KASADO NA

NAKAHANDA na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco para simulan ang serye ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-118th anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Enero 16.

Sisimulan ang kasiyahan ng Navotas Day celebration na may temang “Kapag Tulong-Tulong, Angat ALL, Saya ALL,” sa Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristyano, Lunes January 8.

Ang Kalye Fiesta, isang banchetto-style night market, ay magbubukas din sa Navotas Citywalk and Amphitheatre.

Sa January 10, gaganapin ng Navotas ang Araw ng Mangingisda para parangalan ang mga mangingisda ng lungsod kung saan magtatampok ng mga kumpetisyon sa karera ng bangka at net mending, gayundin ang paggawad ng Top 10 Most Outstanding Fisherfolk.

Masasaksihan din ngayong taon ang pagbabalik ng street dancing competition, na tinaguriang Pangisdaan Festival kung saan ipapakita ng mga junior at senior na mag-aaral ng anim na pampublikong mataas na paaralan sa Navotas ang kanilang husay sa pagsasayaw at malikhaing chops na sumasalamin sa mayamang kasaysayan at kultura ng lungsod.

Bibigyan din ng Navotas ng pagkilala ang Top 20 Taxpayers in Business and Realty sa Enero 14.

“Another fruitful year of overcoming challenges has come and gone. Through this celebration, we express our gratefulness for the guidance and blessings that we received from the Almighty for the past years,” ani Mayor Tiangco.

“The milestones we have achieved in our city are also made possible with the support and cooperation of Navoteños,” dagdag niya.

Kasama rin sa mga aktibidad ang Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, Navotas Funbikers Get-Together Ride, Invitational Judo Tournament, Pakita Mo Pet Mo! (Dog Edition), at groundbreaking ng soon-to-rise na Kaunlaran Super Health Center.


Ang iba pang mga kaganapan sa loob ng isang linggo ay ang seminar ng financial literacy, simultaneous clean-up activity, at mega job fair.

Magbabalik din ngayon taon ang Grand Parade na gaganapin sa Enero 16, tampok ang mga sikat na artista habang sa pagtatapos ng pagdiriwang, mamimigay ang pamahalaang lungsod ng bigas sa mga residente simula Enero 17 hanggang 22.