IHINAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nawala pa silang natatanggap na report na may Pinoy na namatay matapos yanigin ng malakas na lindol ang Japan noong New Year’s Day na ikinasawi ng 15 katao.
Idinagdag pa ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na walang naiulat na apektado sa 7.5 magnitude na lindol na tumama sa Ishikawa prefecture – tahanan ng 1,300 Filipino – noong Lunes ng hapon.
Ayon sa ahensiya, sinunod naman ng mga komunidad ang anunsiyo ng kanilang gobyerno na manatili sa ligtas na lugar.
Samantala, patuloy pa ring minomonitor ng Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa mga apektadong lugar.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK