PINAGAAN na ngayon ang quarantine restrictions sa maraming lugar sa bansa, pinaalalahanan ni Senadora Cynthia Villar ang publiko na huwag masyadong maging kampante kasabay ng pagsasabing dapat ipagpatuloy ang pagpraktis ng protocol na inilatag ng health department para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19).
“As we begin to adjust to the new normal way of life, we should not put our guards down. Alalahanin natin na nandyan pa rin ang virus at wala pang bakuna laban sa COVID-19 kaya kailangang sumunod sa health protocols,” pahayag ni Villar.
Binigyang-diin ng senadora na kayang depensahan ng sinuman ang kanilang sarili laban sa virus habang naghihintay pa ng lunas para rito sa pamamagitan ng pagsuot ng face masks at iba pang cloth face coverings.
Kasama ang anak na si Camille, kinatawan ng lone district ng Las Pinas, namahagi si Villar ng 2,000 tarpaulin sa iba’t ibang barangay sa lungsod para paalalahanan ang mga residente hinggil sa health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, pagpraktis ng physical distancing at madalas na paghugas ng kamay.
“We have to be reminded that stopping the spread of the disease is not just the work of the medical workers and our frontliners. It is the duty of everybody to help fight COVID-19 by wearing face masks properly and observing 1-meter physical distancing when outside our homes. Lapses in health protocols endanger the well-being of our families and co-workers,” ayon kay Villar.
Binanggit din ni Villar ang palantandaan ng economic recovery na nagresulta sa parsiyal na pagbubukas ng mga negosyo at mga establisimiyento.
Umaasa din itong magpapatuloy ang progreso nang sa gayon ay makabuo ng trabaho para sa tinatayang 7.5 milyon Pilipinong nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE