Pinagmulta ng National Basketball Association si Denver Nuggets big man Nikola Jokic ng $2K (P110K) dahil sa flopping.
Mahilig mag-foul bait siya, pero nahuli ng game officials na nasobrahan sa arte.
Sa 123-117 loss ng Nuggets sa Sacramento noong Sabado, lamang ng lima ang Kings nang bumagsak si Jokic pag-angat para sa jumper na binulabog ni Domantas Sabonis.
Natawagan ng foul si Sabonis, nagprotesta ang Sacramento center pero hindi binaligtad ang tawag. Binigyan si Jokic ng dalawang free throws.
Pagkatapos ng laro at review, naglabas ng statement ang NBA:
“DEN’s Nikola Jokic was assessed a postgame Flopping fine of $2,000 upon league office review for (link) on Dec. 2 vs. SAC.”
Naligtasan ng Kings ang 36 points, 13 rebounds, 14 assists ni Jokic – ang NBA-leading eighth consecutive triple-double niya ngayong season.
Tumapos si Sabonis ng 15 points, 17 rebounds, 7 assists at napatunayang tama ang kanyang protesta. RON TOLENTINO
More Stories
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO