November 19, 2024

PAGLAYA NI DE LIMA IDINAAN SA IMPLUWENSIYA

Tila kumbinsido sina dating Justice Secretary VitaliNo Aguirre III at Spokesperson Harry Roque na naimpluwensyahan ang naging desisyon ng hukom ukol sa pansamantalang kalayaan ni dating Senador Leila De Lima.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay na binunyag ni Roque na paboritong estudyante ni de Lima si Mandaluyong RTC Judge Gener Gito ng Br 206 sa San Beda College of Law.

Ayon kay Atty. Roque, itinago ni de Lima at Judge Gito na sila ay napakalapit sa isa’t isa sa panahon ng pag-aaral ng hukom sa San Beda. Dahilan kung kaya naging bias ‘di umano ang naging desisyon ni Judge Gito.

Pinagbasihan din umano ng hukom ang pagbaligtad ng mga testigo kung kaya wala itong pinagbatayan para pigilan ang pansamantalang kalayan ng senadora.

Sa kabila ng pagiging magkaibigan ng ni de Lima at Judge Gito, hindi na dapat hinawakan nito ang kaso ng senadora.

“Kung walang intensiyon na impluwesniyahan ang desisyon, ipinaalam sana ang relasyon nila sa San Beda,” ani Roque.

Samantala, naniniwala naman si dating DOJ Sec. Aguirre na lahat ng mga bumabaligtad o umaatras na witness ay may kaakibat na kabayaran.