
PATAY ang dating alkalde ng Cateel, Davao Oriental matapos barilin sa Davao City.
Kinilala ang biktima na si Giselo Castillones na nagsilbi bilang alkalde sa nasabing bayan noong 1983 hanggang 1986.
Nabatid na nakaupo sa loob ng kanyang kulay gray na Mitsubishi Expander (nasa larawan) na nakaparada malapit sa Ladiswala Village sa Buhangin District nang lapitan ito ng gunman at pinaputukan nang ilang beses ang biktima.
Ayon sa mga saksi, mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo na pinaniniwalaang riding-in-tandem. Apat na magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw na tumapos sa buhay ng dating alkalde.
Isinugod naman sa ospital ang dalawang kasama ni Castillones na nagtamo ng sugat.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing pamamaslang.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON