November 17, 2024

APAT NA MAGKAKA-ANAK TIMBOG SA P24-M SHABU SA BACOOR CITY, CAVITE

NADAKIP ang apat katao na magkaka-anak makaraang mahulog sa kamay ng mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA Regional Office ng National Capital Region Northern District Office, PDEA IV-A, Cavite Provincial Office, NICA, Station Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police Station at nakuhanan ng 3.5 kilos mga iligal na droga na nagkakahalaga ng P24 milyon bandang alas-7:20 kagabi sa Springville South Phase 2, Barangay Molino 4 sa lungsod ng Bacoor, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Montaha Abbas, 43 anyos, Datu Bandong,37 anyos, Norhata Abbas, 39 anyos at si Elsie Bandong, 37 anyos mga tubong Pagadian City, Zamboanga Del Sur.

Base sa ipinadalang ulat ng mga operatiba PDEA sa opisina ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nadakip ang mga suspek makaraang makipagtransaksyon sa isang PDEA agent na nagpanggap na bibili ng 500 grams ng shabu at ng magpositibo at maiabot na ang droga ay agad ng dinakip ang apat na suspek ng mga nagpakilalang otoridad.

Nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang karagdagang 3 kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na meron kabuoang estimated street market value na P23.800.000., apat na piraso ng mga cellular phones, perang ginamit na buy-bust money at isang notebook na naglalaman ng mga listahan ng transaksyon sa droga’.

Kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Article II ng Republic Act.9165 o Dangerous Drugs Act Laws of 2002 ang kakaharapin ngayon ng mga suspek. (KOI HIPOLITO)