November 16, 2024

Walang deadline para mag-settle down… LOVELIFE ‘DI PRIORITY NI ALDEN RICHARDS

MAS priority ni Alden Richards ang mag negosyo sa ngayon, kaysa humanap ng babaeng kanyang papakasalan.

“Settling down at mag-start bumuo ng pamilya para sa akin ay choice iyan ng isang gaya ko.   I’m 31 years old na, at nakita kong maraming opportunities ngayon dahil I’m venturing sa different fields of businesses.

“Mas priority ko ngayon ang mga opportunities na dumarating sa akin, darating din ako sa puntong magmamahal ng isang babae pero hindi pa sa ngayon.

“Ang gusto ko sa babaeng mamahalin ko ay isa siyang understanding woman, alam mo naman ang trabaho ko at dapat tanggap niya at nauunawaan niya,” pagtatapos pa ni Alden.