November 19, 2024

P1-M  SHABU NASAMSAM SA BABAENG TULAK SA CAVITE

NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit ng Calabarzon 4A, Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite Provincial Police Office at ng Dasmarinas City Police Station ang isang babaeng nagtutulak at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot makaraang masakote sa inilatag na drug buy-bust operation sa Walter Mart Parking Lot, Barangay Zone 4 ng Dasmarinas City sa Cavite.

Ayon sa ulat ni Cavite Police Provincial Director Police Colonel Eleuterio M, Ricardo kay Calabarzon Police Regional Director, Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang suspek na si alyas “Jane,” 35-anyos, residente sa Barangay Sampaloc ng nasabing lungsod at nakatala bilang High Value Individual sa lalawigan ng Cavite.

Nasamsam sa posisyon ng suspek ang nasa kabouang 150 gramo ng mga pinaghihinalaang shabu na meron estimated street market value na P1,035.000 at ang ginamit na P100,000 na boodle marked money.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act.9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na nasa kustodiya ngayon ng Dasmarinas City Custodial Faciliy. (KOI HIPOLITO)