Pansamantalang tinanggal sa puwesto at dinisarmahan ang 11 pulis kabilang ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District Station 14 sa Quiapo.
Ang pagkaka-relieve sa puwesto sa mga naturang pulis ay dahil sa isang post sa socmed na nag-aakusa nang paglabag sa anti íllegal drug ops.
Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines, bahagi ng follow up operation ang ikinasa ng mga pulis at walang hininging pera sa dalawang babae.
Sa imbestigasyon, pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng dalawang babae matapos ituro ng dalawang suspek na kanilang unang nadakip dahil sa mahigit P1-M halaga ng bawal na droga.
Ngunit wala aniyang narekober na ebidensya o ilegal na droga na nakuha sa dalawa kaya agad ring umalis.
Taliwas aniya ito sa nakasaad sa viral social media post na nagsabing dinala sa tanggapan ng Station 14 ang dalawa at hiningan ng P45,000 kapalit ng paglaya.
Nilinaw naman ni Ines na ang ginawa ng mga pulis ay lehitimong follow-up operation sa isang barangay na sakop ng MPD Station 2.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI