Dead on the spot ang dalawang biktimang tumatawid makaraang aksidenteng masagasaan ng isang rumaragasang Mitsubish Pick up sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Bubukal sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Lesly Barrios at Glenford Asmeralde mga nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.
Base sa inisyal na report ng Sta. Cruz Municipal Police Station, papatawid ang mga biktimang sina Barrios at Asmeralde galing ng Go Pars Pares na katatapos lang kumain patungo sa kabilang karsada ng mahagip ng minamanehong Mistsubishi Pick up ng suspek na itinago sa pangalang alyas Juan, na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawang biktlma sanhi ng mga tinamong sugat sa kanilang katawan ayon na rin sa mga rumespondeng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sta. Cruz, Laguna.
Dinala na ngayon sa Relova Funeral Homes ang mga bangkay ng dalawang biktimahabang nakakulong na ngayon ang suspek sa Sta. Cruz Detention Facility at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Homecide. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI