Nakapuga ang 9 na preso o persons under PNP custody (PUPCs) matapos na sirain o baluktutin ang bakal sa kanilang piitan sa MPD Station-1 kaninang ala-1:30 ng madaling araw, Nobyembre 8.
Sa press briefing ni Manila Police District Director PCol Arnold Tomas Ibay, agad nahuli ang limang bilanggo sa ikinasang man hunt operation na ginawa ng Tondo Police.
Kabilang sa mga naaresto na ay sina Gian Carlo Rayala, Arnold Olino, MJ Tuazon, Albert Calayas Crisostomo, Adriano Zilmar, Jericho Antipuesto at John Joseph Laguna.
Habang kasalukuyang pang pinaghhanap sina Master Cedric Zodiacal at Jefferson Bunso Tumbaga.
Pansamantalang inilagay ni Col. Ibay sa floating status ang mga pulis na naka-duty sa Tondo gayundin ang Station Commander na si Col. Robert Mupas.
Sa ngayon, tuloy ang ginagawang man hunt operation ng MPD sa apat pang bilanggo na pawang may mga kasong paglabag sa dangerous drugs act.
Iniimbestigahan din ang posibleng pananagutan ng mga pulis sa pagkakatakas ng mga bilanggo.
Inaalam din kung nagkaroon nang pagpapabaya sa tungkulin sa pagbabantay ng mga bilanggo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA