NANGUNA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga ahensiya ng gobyerno na may mataas na paggastos ngayong ikatlong quarter ng taon.
Ipinahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosearie Edillon, na nag-improve ang paggastos ng dalawang ahensiya kung kaya’t nanguna ito sa capital spending.
Isa sa tatlong agenda na tinalakay ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang government spending na sinasabi ng economic managers ng bansa na siyang makapagpapahusay sa growth rate sa pagtatapos ng taon.
Dagdag pa ni Edillion, nagsumite ang mga ahensya ng kanilang “catch-up plans,’ habang marami sa mga ito ang nag- improve ang paggastos para sa third quarter.
Matatandaang nauna nang sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang pagpapabilis sa implementasyon ng mga proyekto at programa ay mapakikinabangan ng ekonomiya para sa second half ng 2023.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI