November 19, 2024

TROPANG ANGAT SAN ISIDRO SA TAYTAYEÑO: BUMOTO NANG TAMA

Dinumog ng tao ang “Gabi ng Pagkakaisa” ng Nagkakaisang Tropang Angat San Isidro sa Taytay, Rizal noong Sabado ng gabi, ang huling araw ng kampanyahan.

“Isang mainit na pagbati sa lahat ng mapagmahal na taga-San Isidro, higit sa lahat sa mga matino, mahusay at maasahang mamamayan ng Barangay San Isidro,” ayon kay Kapitan Vivian Yupangco.

“Eto na ang gabi ng tunay na pagkakaisa, isang gabi na punong-puno ng pag-asa at tayo’y muling pinagsasama-sama para sa huling araw ng ating kampanya,” dagdag pa niya.

Hangad ni Kap. Yupangco na ipagpatuloy ang magandang serbisyo na kanilang nasimulan para sa Barangay San Isidro.

“Dito na tayo nagsimula. Kaya ipagpatuloy na natin ang pagiging very good ng San Isidro.   Kaya sa nakaraang sampung araw ng opisyal na kampanya ay pinatunayan natin ang lakas n gating pagkakapit-bisig at pinatunayan natin na walang tutumbas sa pinagbigkis nating lakas. ‘Yan ang Team Vivian-Gerick na ipagpapapatuloy ang mga magandang nasimulan dito sa San. Isidro.

Ipinakilala rin ni Kap. Yupangco ng gabing iyon ang mahuhusay at tapat sa serbisyo na mga tumatakbong kagawad sa ilalim ng Tropang Angat San Isidro na sina Arky Manning, Beth Dungca Baliwag, Dingdong Gatapia, Dagul Marundan, Ian Reyes, Babet Esguera, Juvy Neneng Habacon.

“Yan po ang bumubuo ng Tropang San Isidro, ‘wag ninyo po silang paghiwa-hiwalayin ang lahat ng plano natin at pangarap ay magagawa natin kung nagkakaisa po ang ating layunin,” ayon kay Kap. Yupangco.

Habang ang bumubuo naman sa Angat Kabataan ay pinangungunahan ng tumatakbong SK chairman na si Gerick Francisco kasama ang kanyang mga SK Kagawad na sina Aj De Lumen Legaspi, Daren Valdizno, Aaron Suguitan, Kyle Abuid, Dessiree Suyat Trysha dela Cruz at JT Naval.

Pinayuhan ni Kap. Yupangco ang mga botante na bumoto ng tama, tapat sa tungkulin at higit sa lahat ‘yung iingatan at hindi gagahasain ang pondo ng kanilang barangay.

Matatandaan na na kinilala ng DILG ang Barangay San Isidro bilang isang matino, mahusay at maasang barangay sa buong lalawigan ng Rizal sa ilalim ng pamumuno ni Kap. Yupangco.

“Yan po an gating grupo na muling inilalapit sa inyo, at siyempre ‘wag ninyo po akong kalimutan. Muli inihahanda ang sarili para maging kapitan ng San Isidro — Vivian Reyes Yupangco po. Samahan ninyo para sa tuloy-tuloy na pagiging very good ng San Isidro,” pagtatapos niya.