HINIMOK ni House Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga senior citizen, person with disabilities (PWDs) at mga buntis na gamitin ang kanilang pribilehiyo para maagang makaboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Oktubre 30.
Isinusulong ni Ordanes ang House Bill 7576 o ang “Early Voting Bill,” para sa seniors, PWDs at mga buntis. Tinatalakay na Senado ang naturang batas matapos pumasa sa Kamara noong Mayo 9.
“House Bill 7576 is one of our 16 legislative accomplishments, along with other achievements I have been informing seniors of nationwide,” saad niya.
Papayagan ng Commission on Elections ang mga senior citizens, PWDs at mga buntis na bumoto mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng umaga sa araw ng Eleksyon para hindi na sila mahirapang pumila pa ng mahaba.
Ayon kay Ordanes, papayagan ang mga senior na may kasama basta’t ito’y botante rin sa parehong poll centers.
Idinagdag pa nito na pinapayagan din sa mga poll centers sa mga piling mall ang early voting para sa senior citizens, PWDs, at mga buntis.
“This early, I advise seniors to find out if the malls near their residences have voting facilities for BSKE,” ayon kay Ordanes.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI