Arestado ang dating Alkalde ng Dingras, Ilocos Norte sa salang pagpatay sa pinagsanib puwersa ng otoridad nito lamang Sabado, Setyembre 30, 2023.
Kinilala ni PBGen Jose Melencio C Nartatez, Jr, Acting Regional Director ng PRO1, ang akusado na si dating Mayor Marynette Gamboa.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr, naaresto ang dating Mayor bandang 10:30 ng umaga sa pinagsanib pwersa ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Division National Capital Region Police Office (RSOG- RID, NCRPO) kasama ang Philippine Navy, 83rd Company at 81st Company na parehong RDB PNP-SAF at Calamba City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa Kai- Balinese Pool Resort, Indigo Bay Hot Spring Subdivision Sucol, Real, Calamba City, Laguna.
Si Gamboa na tinaguriang Top 2 Provincial Most Wanted Person ng Ilocos Norte ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest dahil siya ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ilocos Norte, Electric Cooperative President, Lorenzo Rey Ruiz noong 2009.
Siya rin ang umano’y utak sa pananambang kina Dingras Mayor-Elect Jeffrey Saguid at Sangguniang Panlalawigan Board Member Robert Castro noong Disyembre 2009.
“Pinupuri ko ang pakikipagtulungan ng aming mga operating unit para sa isa na namang positibong operasyon.
“Magsisilbi ito bilang babala sa lahat ng pugante na maaaring makapagtago ngunit hindi makatatakas sa bisig ng batas. Ang inyong puwersa ng pulisya at ang aming mga katuwang na ahensya ay mananatiling nakatutok sa aming hangarin na hulihin ang lahat ng tao na may Warrant of Arrest at mailagay sila sa likod ng mga rehas,” pahayag ni PBGen Nartatez, Jr.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI