Tumaas ang presyo ng itlog dahil sa mababang supply subalit mataas ang demand dahil sa papalapit na holiday season.
Ayon kay United Broiler Raisers Association at Philippine Egg Board Association chairman Gregorio San Diego, tumaas ng P0.20 hanggang P0.30 ang farmgate prices ng mga itlog nitong linggo kumpara noong nakaraang linggo. Ibig sabihin, nasa P6.55 na ngayon ang average farmgate price ng medium-sized na itlog, mula sa P6.35.
Paliwanag pa ng San Diego, ang kakulangan ng mga pangunahing pagkain dahil sa pananalanta ng bagyong Egay at Goring na talagang nakaapekto sa poultry industry, gayundin ang epekto ng bird flu na tumama sa bansa.
“Nitong mga nakaraang buwan, talaga namang lugi ang mga nasa negosyo ng paitlugan kasi… mura ang presyo ng itlog pero tumataas ang aming cost lalo na ang feeds, fuel, at kuryente,” saad niya.
“Kapagka P5.00, lugi na kami diyan kasi ang kinakain ng isang manok sa isang araw ay halos P5.00 na, feeds pa lang ‘yan,” dagdag pa niya.
Ayon sa San Diego, ang maikling supply ng mga itlog ay maaaring tumagal hanggang sa unang semestre ng 2024, at maaaring maging normal sa second half ng susunod na taon.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI