
INANUNSIYO ng World Bank na inaprubahan na nito ang $600 milyong utang para suportahan ang digital technology sa Pilipinas.
Ipinahayag ng WB nitong Sabado, Setyembre 30, na inaprubahan ng Board of Executive Directors ang naturang halaga para sa First Digital Transformation Development Policy Loan ng Pilipinas.
Layon umano nito na gamitin ang panibagong utang sa WB upang itulak ang digital transformation ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga digital infrastructure.
Sa nasabing financing scheme umano itutulak ang mga pagbabago sa bansa tungo sa e-commerce at palalakasin pa ang kompetisyon ng mga kalahok sa digital services market.
Ayon sa WB, malaking bagay ang digital technology upang magkaroon ng mas maayos at transparent na serbisyo ng gobyerno.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO