DEDBOL ang isang secutiry guard matapos tamaan ng bala sa naganap na barilan sa pagitan ng mga pulis at hindi kilalang armadong suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kaagad binawian ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ariel Clavido, nasa hustong gulang, security guard ng BPI Grace Park 2nd Avenue Branch, Caloocan City.
Sa ulat na natanggap ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng East Grace Park Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/Lt Jherico Pascual sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext., pagitan ng 2nd at 1st Avenue. Brgy. 41, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang parahin nila ang suspek na nakasuot ng itim na cap, itim na long sleeves, short pants, slippers at may sling bag dahil walang helmet habang sakay ng isang motorsiklo.
Gayunman, hindi pinansin ng suspek ang mga pulis at tinangkang tumakas na naging dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa motorsiklo hanggang sa sumemplang.
Nang makatayo, naglabas ng baril ang susoek at pinagbabaril ang humahabol na mga pulis na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng mga putok ang mga parak hanggang sa makita nalang nila ang nakasibilyang biktima na tumimbuwang sa gitna ng palitan ng putok.
Nagawang makatakas ng suspek patungong Manila area, habang agad namang tumawag ang mga pulis ng ambulansya para madala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit, pagdating ng ambulansya ay hindi na ito dinala sa hospital dahil wala na siyang buhay.
Ayon kina police investigators PSSg Aldrin Matthew Matining at PCpl Ariel Dela Cruz, nakuha ng rumespondeng mga tauhan ng NPD Forensic Unit sa crime scene ang siyam na cartridge cases, dalawang cartridges, dalawang metallic jacket fragments ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at ang gamit na motorsiklo ng suspek.
Inaalam pa ng kung sa kaninong bala nagmula ang nakatama sa biktima habang patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para maaresto ang suspek.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI