ISA si Miggy San Pablo sa sikat na miyembro ng “Upgrade” na boyband sa ating bansa. Hindi nga sukat akalain lalo na ang kanyang mga fans na papasukin na rin niya ang mundo ng politika. Tumatakbong konsehal ng Barangay Malhacan, Meycauayan, Bulacan si Miggy San Pablo.
“Pinasok ko po ang politika dahil na rin sa aking pamilya, nakagisnan ko na po sa kanila ang buhay namin na kasama ang buhay politika. Ang ama ko po ay Kapitan ng aming barangay at kagawad naman ang aking nakakatang kapatid, nasa dugo na po namin ang maglingkod sa mga tao.
“Ang aking amang si Kapitan Delfin ‘Dem’ San Pablo III, at ang aking kapatid na tatakbong Kapitan na si Delfin ‘Tikboy’ San Pablo IV ang idolo po nila ay si actor/gobernador Daniel Fernando ang kanilang idolo sa pagiging politiko.
“Sa pagpasok ko po sa politika, hindi ko po pwedeng iwan ang showbiz. Time management po ang gagawin ko para mapagsabay ko ang showbiz at politika. Pero una sa akin ang oaglilingkod ko sa aking mga kababayan,” kwento pa ni Miggy San Pablo ng ‘Upgrade.’
More Stories
P680K shabu, nasamsam sa HVI tulak sa Valenzuela
Security guard, kulong sa panunutok ng baril sa Malabon
9 SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS AT TRAILER TRUCKSA TAYABAS, QUEZON