December 26, 2024

OTS CHIEF NAGBITIW SA  LUNOK-PERA SCANDAL SA NAIA

NAGSUMITE si Office of Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Ranada Aplasca ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos masangkot sa isyu ang isang airport security na lumunok ng $300 na ninakaw mula sa pasahero.

Ayon kay Aplasca, inihain niya ang kanyang resignation matapos ianunsiyo ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin niya ang pag-apruba sa pondo ng OTS at Department of Transporation kung hindi niya bibitawan ang puwesto.

“I am not in any way ready to sacrifice my organization but I consider this as a noble undertaking for a greater interest,” saad niya.

Iginiit ni Aplasca na wala siyang ginagawang masama at sa katunayan ay patuloy siyang nagsagawa ng matapat na kampanya laban sa korapsyon habang ito’y nanunungkulang bilang OTS chief.

“It is just unfortunate that as we weed out the scalawags in our ranks, it will always draw media attention and tarnish the reputation of our country,” dagdag niya.

Nagulat na lamang siya nang ipinanawagan ni Romualdez ang kanyang resignation.

“Personally nagulat din ako sa call ng ating Speaker for my resignation dahil sa aking palagay wala naman akong nagawang mali. Ang gusto ko lang ay matanggal natin ‘yung mga corrupt na tauhan ng Office for Transportation Security,” saad niya.

“Pero ako ay nagtataka dahil sa halip na ‘yung atensyon natin ay nandoon sa pagtatanggal ng corrupt officials, napunta naman sa akin ‘yung focus,” dagdag niya.

Wala pang tugon si Marcos kaugnay sa kanyang resignation letter. “It is up to the President now whether he accepts o ano,” saad niya.