November 24, 2024

BUWANANG BAYAD SA ‘X’ HIRIT NI MUSK

INIMUNGKAHI ni Elon Musk na singilin ang lahat ng users ng kanyang social media platform na ‘X’, na dating Twitter, pero ayon sa mga eksperto mahihirapan lamang siya para sakyan ito ng mga user.

Sa pakikipagtalakayan kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, sinabi ni Musk na sa pamamagitan ng “small monthly payment” sa ‘X’ ay masasawata ang sandamakmak na automated accounts, kilala bilang bots, na itinuturing na salot sa site.

Subalit ikinadismaya ito ng mga ‘X’ users, kung saan nagbabala ang mga ito na posibleng maging katapusan na ito ng nasabing site at kinuwestiyon ng mga analyst ang lokiha ng naturang hakbang na kung saan hindi na ito pasukin ng advertisers.

“I imagine that a large number of people won’t go through the hassle of adding payment details, regardless of how small the price is,” saad ni Simon Kemp, founder ng online advisory firm na Kepios.

Matatandaan na binili ni Musk ang Twitter sa halagang $44 bilyon.