November 24, 2024

2 binitbit sa halos P200K droga sa Malabon

UMAABOT sa halos P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa dalawang bagong identified drug personalities matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Ariel Santos alyas Aying, 31, ng 780 Kagandahan St., Gagalangin, Tondo, Manila at Jacquelyn Marquez alyas Xerox, 30, ng 154 Magtanggol Street, Brgy. 129, Maypajo, Caloocan City.

Sa ulat ni Col. Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police ng buy bust operation sa C4 Road, Brgy. Tañong kontra kay Santos matapos makumpirma ang natanggap na ulat hinggil sa pagbebenta nito ng shabu.

Nang tanggapin ng suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, si Marquez na sinasabing parokyano ni Santos.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang P183,600.00 halaga ng hinihinalang shabu  shabu in buy-bust operation, dakong ala-1:20 ng madaling araw.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.