NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng simultaneous coastal cleanup drives sa lahat ng 18 barangays bilang bahagi ng selebrasyon ng 2023 International Coastal Cleanup (ICC) Day.
Nasa 700 na individuals ang lumahok sa event, kabilang ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod, national government agencies, barangay officials and staff, students, teachers, non-government organizations, at mga representatives mula sa private institutions.
Binigyan din ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng pag-uugali para sa lahat ng mga lumahok sa mga aktibidad sa paglilinis ng komunidad.
“Navotas is a coastal city, and a large portion of our population depends on fishing for their income. Keeping the sea and other bodies of water clean is imperative in helping our kababayans maintain their livelihood. Let us make cleanliness a part of our lifestyle,” ani Mayor Tiangco.
“Our city is the extension of our homes. Just like how we keep our homes in order, let us do our part in maintaining the cleanliness of our communities,” dagdag ng alkalde.
Ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nagsagawa din ng ICC campaign sa lahat ng barangays upang itaas ang kamalayan tungkol sa wastong pamamahala ng solid waste segregation-at-source.
Ang ICC Day ay isang pandaigigang kaganapan na nagbubuklod sa mga bansa at mga tao na may iisang layunin na lutasin ang lumalaking problema sa marine debris sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisa ng mga baybayin, ilog, lawa at daluyan ng tubig, gayundin ang pangangalap ng data sa uri at dami ng basurang nakolekta.
Ito ay na-institutionalize ng Presidential Proclamation No. 470 noong September 15, 2003. Ang mga volunteers ay kinakailangang magsumite ng kopya ng boluntaryong pormularyo ng data ng basura sa karagatan upang maitala ang mga labi at basurang bagay na kanilang natipon sa panahon ng kaganapan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY