Matapos magtala ng panalo sa kanilang nakaraang laban,bitbit ng Gilas Pilipinas basketball team at ng Filipinas women’s football team ang momentum sa kanilang pagsabak sa
23Hangzhou Asian Games na aarangkada sa Hangzhou,China higit dalawang linggo na lang mula ngayon.
“That was one big victory over China,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kamakalawa matapos tambakan ng Gilas Pilipinas ang karibal sa Asia na China sa kanilang pampinaleng laban sa classification 2 ng FIBA World Cup sa score na 96-75 nitong Sabado.
“The win was confidence-building and that brought back the belief that yes, Filipino athletes can,” dagdag ni Tolentino na nagpahayag din ng kumpiyansa sa Filipinas women’s national football team, na gumawa ng kasaysayan nang mag-qualify sila sa Women’s World Cup at nakahataw pa ng makasaysayang panalo , 1-0 kontra tournament co-host New Zealand noong Hulyo ng taon..
“Those are two momentum going for us in the Asian Games,” ani pa Tolentino.
“Men’s basketball in the Asian Games is set three days after the opening ceremony on September 26 in three venues with the Philippines taking on Bahrain as its first opponent in Group C where Thailand and Jordan—which went 0-5 won-lost to finish seven rungs below No. 24 Philippines in the World Cup—are also bracketed.
Gilas Pilipinas plays Thailand on September 28 and Jordan on September 29.
Japan, the best-finishing Asian at 3-2 in the World Cup for an automatic Paris Olympics berth, is in Group D with Indonesia, Qatar and medal contender but a non-World Cup team South Korea.
Iran, Kazakhstan, Saudi Arabia and the United Arab Emirates are in Group A while China, Lebanon, Chinese Taipei and Mongolia make up Group B.”
“But of course, we should be expecting a big fightback from the Asian teams which were in the World Cup and didn’t fare well, much more nail a victory,” ayon sa kasalukuyang Alkalde ng Tagaytay City.
Ang Team Philippines na sasabak sa Asiad ay binubuo ng 395 atleta na makikipagtunggali sa 37 ng 40 sports na nasa Hangzhou program.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA