NAKATANGGAP ng cash incentive mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 911na mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC) para sa academic year 2022-2023.
Mismong si Mayor John Rey Tiangco ang nanguna sa pamamahagi ng cash ng P1,500 cash incetive sa mga benepisyaryo na NPC graduates.
Taos-puso namang nagpaabot ng pagbati sina Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa mga NPC graduates, kabilang si Nanay Adelaida Alfabete, 75-anyos.
“Napagtagumpayan ninyo ang lahat ng mga pagsubok sa loob ng ilang taon ninyo sa kolehiyo. Marami mang pagbabago ang inyong pinagdaanan at pagdadaanan pa, kakayanin n’yo ito sa inyong pagsisikap at sa tulong ng inyong mga mahal sa buhay at ng ating pamahalaan”, ani Tiangco brothers.
Nagpasalamat din ang magkapatid na Tiangco kay Vice President at DepEd Sercretry Inday Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa graduation ng NPC at pagbibigay ng inspirasyon sa mga nagtapos.
Noong nakaraang buwan, namahagi din ang Navotas ng cash incentives, na nagkakahalaga ng P500 at P1,000, sa mga public elementary at senior high school graduates.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund