ISANG lalaki na nakatala bilang most wanted sa Navotas City ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Manila City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Santos Sumingwa Jr. ang naarestong akusado bilang si Ryan Cabangbang, 38, Utility sa Manila Harbor Centre at residente ng Quintos St., Brgy. San Jose, Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas na nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas police sa pangunguna ni PCMS Ronie Garan ng manhunt operation kontra wanted persons.
Hindi na nakapalag ang akusado nang dakpin siya ng mga pulis sa kanyang pinagtatrabahuan sa Manila Harbor Centre, Brgy. 128, Tondo Manila, dakong alas-6:50 ng umaga.
Ayon kay PCMS Garan, si Cabangbang ay may nakabinbing warrant of arrest para kasong Frustrated Murder na inisyu ni Hon. Pedro T. Dabu Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 286, Navotas City.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa costudial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund